Sunday, March 12, 2017

Research Reflection

Ang paggawa ng Research ay hindi madali.
Di man madali subalit kakayanin
at hinuhubog nito ang ating sariling kaalaman.
Iba-iba man ang problema na aming nasasalamuha.

Hindi ito hadlang upang makabuo ng isang pananaliksik papel,
marami mang proseso ang pagdaanan,
hindi ito balakid sa tagumpay.
Iisang layunin ngunit maraming mararating.

Hindi lahat ng problema ay matatapos kaagad.
Marami pa tayong dapat isaalang-alang
kubol-kubol man ang ating pagdaanan
sa huli mararating natin ang hangganan.

Mga iba-iba man ang pananaw,
iisa pa rin ang patutunguhan
at ito ang magiging daan sa ating pagkaunawaan.

No comments:

Post a Comment